Thursday, February 4, 2010

Schedule Update!

Dearest Teachers,

We're approaching the end of the year! Just to inform you of the remaining dates and activities in SBMA:

February 7 - SBMA Meeting 8
February 21 - SBMA Sportsfest
(Early AM - SBMA students, Late AM - Teachers and Volunteers)
March 07 - First Holy Communion and Graduation

Again, I want to thank you for your continued dedication and support in SBMA. Your generosity is much appreciated! The fruits of all our labor and efforts may not be apparent, but I am absolutely certain that our occasional interaction with these children from Pinaglabanan will touch their lives in some way. Maraming maraming salamat sa inyo! :) God bless you and your loved ones.

Cheers,
Francis

SBMA #8 Workplan

WORKPLAN: 07 Pebrero 2010

Ebanghelyo
Lukas 5:1-11

Nangyari nga, habang nagkakatipun-tipon ang mga tao kay Jesus upang makinig ng salita ng Diyos, siya ay nakatayo sa tabi ng lawa ng Genesaret. Nakakita siya ng dalawang bangka na nasa tabi ng lawa. Ang mga mangingisda ay nakababa na sa bangka at naghuhugas ng mga lambat. Sumakay siya sa isa sa mga bangka na pag-aari ni Simon. Ipinakiusap niya kay Simon na ilayo ng kaunti sa baybayin ang bangka. Pagkaupo niya, siya ay nagturo sa mga tao mula sa bangka.
Pagkatapos niyang magsalita, nagsabi siya kay Simon: Pumalaot kayo. Ihulog ninyo ang mga lambat upang makahuli ng mga isda.
Sumagot si Simon na sinabi: Guro, magdamag kaming nagpagal at wala kaming nahuli. Gayunman kahit wala kaming nahuli, sa iyong salita ay ihuhulog ko ang lambat.
Pagkagawa nila ng gayon, nakahuli sila ng napakaraming isda at ang lambat ay napupunit. Kinawayan nila ang kanilang kapwa mangingisda na nasa ibang bangka upang lumapit at tulungan sila. Lumapit sila at pinuno ang dalawang bangka kaya sila ay papalubog.
Nang makita iyon ni Simon Pedro, nagpatirapa siya sa mga tuhod ni Jesus. Sinabi niya: Panginoon, lumayo ka sa akin sapagkat ako ay isang taong makasalanan. Sinabi niya ito sapagkat siya ay namangha, gayundin ang kaniyang mga kasamahan dahil sa napakaraming huli. Namangha rin ang mga anak ni Zebedeo na sina Santiago at Juan, na mga katuwang ni Simon. Sinabi ni Jesus kay Simon: Huwag kang matakot. Mula ngayon ay mamalakaya ka na ng tao. Pagkadaong nila ng mga bangka, iniwan nila ang lahat at sumunod kay Jesus.

Mga tanong:
- Sinu-sino ang mga unang alagad na tinawag ni Jesus?
- Ano ang nais ipagawa ni Jesus sa kanila?
- Ano ang kanilang tugon kay Jesus?


GRADES 1 and 2

PAGPAPAHALAGA (value)
- Pagsunod, Pagtalima, Paggalang, Pagtupad, Pakikinig, Pagmamahal

ACTIVITY
Laruin ang “Following the Leader” – Ang guro ay maaaring magsagawa ng mga kilos na dapat gayahin ng mga bata.

PAGUUGNAY (exposition)
Bigyang halaga ang pakikinig at pagsunod. Dapat ay sundin natin ang mga taong nagbibigay ng mabuting halimbawa at hindi ang masasama. Ang pagmamahal din ni Jesus ay dapat nating tularan.

TUGON (response)
Inaanyayahan ni Hesus na tayo’y maging masunurin. Paano natin maipapakita ito sa ating mga magulang, kapatid, kamag-anak, guro at kalaro sa araw-araw?


GRADES 3A, 4, 5, 6 at HIGH SCHOOL

PAGPAPAHALAGA (value)
- Pagsunod, Pagtalima, Paggalang, Pagtupad, Pakikinig, Pagmamahal

MOTIBASYON (motivation)
(Teacher’s Prerogative)

SITWASYON NG BUHAY (context)
Maaaring pagpilian tapos talakayin:
1) Pagtupad sa mga tungkulin sa bahay o sa paaralan
2) Makikinig ng mabuti sa mga itinuturo ng guro sa paaralan
3) Susundin ang mga payo ng mga magulang nang may pagmamahal at paggalang

PAGUUGNAY (exposition)
Hindi sapat ang gawin lamang natin ang mga bagay na makabubuti para sa ating sarili. May mga tungkulin din tayong dapat gampanan para sa ating kapwa upang tayo ay mabuhay ng maayos, mabuti at masayang kasama nila. Ipagmamalaki tayo ng ating mga magulang, kapatid, guro at mga kaibigan kapag natupad natin ang mga tungkuling nakalaan sa atin.
Sa Linggong ito, mapakikinggan natin kung paano tinawag ni Jesus ang mga taong pinili niyang makasama sa misyong iniaatas ng Ama sa kanya. Alamin natin kung paano tumugon at sumunod ang mga taong tinawag niya sa gawaing nakalaan sa kanila.

TUGON (response)
Maituturing ko ba ang aking sarili na kaibigan ni Jesus?
Paano ko maisasabuhay ang mga narinig kong turo ni Jesus?

Friday, January 22, 2010

SBMA #7 Workplan

WORKPLAN

Gospel for 24 January 2010
Lukas 1:1-4, 4:14-15, 19

Kagalang-galang na Teofilo: Marami na po ang nagsikap na sumulat tungkol sa mga bagay na naganap sa gitna namin. Ang kanilang sinulat ay ayon sa sinabi sa amin ng mga nakasaksi nito buhat sa pasimula at nangaral ng Salita. Matapos na ako’y makapagsuri nang buong ingat tungkol sa lahat ng bagay na ito buhat pa sa pasimula, minabuti ko pong sumulat ng isang maayos na salaysay para sa inyo upang lubusan ninyong matiyak ang katotohanan ng mga bagay na itinuro sa inyo.
Bumalik si Hesus sa Galilea at sumakanya ang kapangyarihan ng Espiritu Santo. Kumalat sa palibot na lupain ang balita tungkol sa kanya. Nagturo siya sa kanilang mga sinagoga, at di-nakila siya ng lahat.
“Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon, sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita. Sinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na sila’y lalaya. At sa mga bulag na sila’y makakikita, upang bigyang-kaluwagan ang mga sinisiil, at ipahayag ang pagliligtas na gagawin ng Panginoon.” Nilulon niya ang kasulatan, at matapos isauli sa tagapaglingkod, siya’y naupo. Nakatitig sa kanya ang lahat ng nasa sinagoga. At sinabi niya sa kanila: “Natupad ngayon ang bahaging ito ng Kasulatan samantalang nakikinig kayo.”


GRADES 1 and 2

HALAGA (value)
- Pagtanggap, Pagsunod, Pakikinig, Tibay ng Loob

ACTIVITY
Laruin ang “Simon Says” at “Give Me”

PAGUUGNAY
Bigyang halaga ang pakikinig at pagsunod. Alamin ang mga naging problema tuwing di nakikinig. At ano naman ang maganda sa pakikinig?

TUGON
Inaanyayahan ni Hesus na tayo’y maging masunurin. Paano natin maipapakita ito sa ating mga magulang, kapatid, kamag-anak, guro at kalaro sa araw-araw?


GRADES 3A, 4, 5, 6 at HIGH SCHOOL

HALAGA (value)
- Pagtanggap, Pagsunod, Pakikinig, Tibay ng Loob

MOTIBASYON (motivation)
(Teacher’s Prerogative)

SITWASYON NG BUHAY
Maaaring pagpilian tapos talakayin:
1) Maganda at may pagkakasundo ang pagsasamahan ng barkada at grupo kung marunong sumunod at tumupad ang bawat sakop sa layunin at tungkulin nito.
2) Nangakong gagawin ang mga tungkulin sa loob ng bahay bago maglaro pero kinakalimutan.
3) Nakikinig sa payo ng guro ngunit hindi tinupad.

PAGUUGNAY
May kasabihan na habang nabubuhay ang tao may pagkakataon mapaunlad ang ating sarili. Magiging maganda ang kinabukasan kung buong tapang nating tutuparin at gagampanan ang mga tungkuling iniatas sa atin araw-araw sa loob ng bahay o sa paaralan o sa pamayanan.
Sa ebanghelyo sa Linggong ito maririnig natin si Hesus na ipinahahayag ang Mabuting balita sa mga dukha, mga bulag at mga inuusig. Sa kanyang pangangaral pinaaalalahanan niya ang lahat na huwag lamang makinig bagkus tanggapin at isabuhay ang Mabuting Balita upang makamit ang pangakong kaligtasan para sa lahat. Pakinggan nating panawag ni Hesus sa atin.

TUGON
Paano ko tutugunan ang hamon ni Hesus na maging “Mabuting Balita” sa aking mga magulang, kapatid, kamag-anak, guro at kalaro sa araw-araw?

Monday, November 9, 2009

SBMA #5 Workplan

WORKPLAN

Gospel for 22 November 2009
Juan 18:33-37

33Muling pumasok si Pilato sa pretoryo at pagkatawag kay Jesus ay tinanong siya, “Ikaw ba ang hari ng mga Judio?” 34Sumagot si Jesus, “iyan ba ay sinasabi mo sa ganang sarili mo o sinabi sa iyo ng iba tungkol sa akin?” 35“Ako ba’y Judio?” ang tanong ni Pilato. “Ibinigay ka sa akin ng iyong bansa at ng mga punong saserdote; ano ba ang nagawa mo?” 36Tumugon si Jesus, “Hindi sa daigdig na ito ang aking kaharian; kung ang aking kaharian ay sa daigdig na ito, ipagtatanggol sana ako ng aking mga lingkod upang hindi ako mahulog sa kamay ng mga Judio, datapwat ang aking kaharian ay hindi sa daigdig na ito.”

37Kaya winika sa kanya ni Pilato, “Kung gayon, ikaw ba’y hari?” Sumagot si Jesus, “Ikaw na ang nagsasabi na ako’y hari. Ito nga ang dahilan kung bakit ako ipinanganak at naparito sa daigdig: upang patunayan ang katotohanan. Sino mang nasa katotohanan ay nakikinig sa aking tinig.”


GRADES 1 and 2

HALAGA (value)
Manatiling tapat at totoo sa ating mga kaibigan (sa ligaya at hirap)
Manatiling tapat at totoo kay Jesus

MOTIBASYON (motivation)
(Teacher’s Prerogative)

KONTEKSTO (context)
(Any activity that highlights loyalty, friendship or honesty.)


GRADES 3A, 3B (Communion), 4, 5, 6 and HIGH SCHOOL
HALAGA (value)
Manatiling tapat at totoo sa ating mga kaibigan (sa ligaya at hirap)
Manatiling tapat at totoo kay Jesus

MOTIBASYON (motivation)
(Teacher’s Prerogative)

KONTEKSTO (context)
Ikaw ba ay matapat at totoo sa iyong mga kaibigan?
Paano mo ipinapakita ang katapatan sa iyong mga kaibigan?
Sinu-sino sa iyong mga kaibigan ang kinikilala mong tapat at totoo sa iyo?
Bakit kaya sila matapat at totoo sa iyo?

PAGLALAHAD (exposition)
Ang katapatan ay isang mahalagang uri ng pagmamahal. Madaling magmahal ng iba sa panahon ng ginhawa at ligaya. Ngunit nangangailangan ng katapatan at katunayan upang magmahal sa panahon ng hirap. Ang tunay na Kristyano ay matapat at totoo kay Jesus kahit sa mahihirap na sitwasyon.

Malalaman lamang na tayo ay tapat at totoong kaibigan ni Jesus kapag susundin natin ang kanyang mga halimbawa sa lahat ng panahon. Kapag minahal natin ang ating kapwa, para na rin nating ipinahahayag ang paghahari ni Hesus sa ating buhay. At sa pagmamahal natin sa ating kapwa, pinapakita rin natin ang pagmamahal natin sa Panginoon.

TUGON (response)
Sa anong mga konkretong paraan natin maipapakita ang katapatan at katunayan sa ating mga kaibigan at kay Jesus?

Wednesday, October 14, 2009

SBMA #4 Workplan

WORKPLAN

Our focus will be on processing the experiences of the students during the recent flooding -- if they were affected or not -- and what are the ways in which they are invited to do their part in taking care of the environment and helping those in need. You are invited to tweak the lessons accordingly in order to make it as interesting and relevant to your students.

Gospel for 18 October 2009
Marcos 10:35-45

30Si Santiago at si Juan, mga anak ni Zebedeo, ay lumapit [kay Jesus] at nagsabi, “Guro, ibig namin na gawin mo sana ang hihingin namin sa iyo.” 36Sumagot siya, “Ano ang ibig ninyong gawin ko sa inyo?” 37”Ipagkaloob mo sa amin, wika nila, na sa iyong kaluwalhatian ang isa ay maupo sa kanan mo at ang isa’y sa kaliwa mo.” 38Sinabi sa kanila ni Jesus, “Hindi ninyo nalalaman kung ano ang inyong hinihingi. Makaiinom ba kayo sa kopa ng aking iinuman at matatanggap ang binyag na aking tatanggapin?” 39”Maiinom namin,” ang sagot nila sa kanya. Datapwat sinabi ni Jesus sa kanila. “Kayo’y makaiinom nga sa kopang aking iinnuman at matatangap ninyo ang binyag na aking tatanggapin; 40ngunit ang maupo sa aking kanan o sa aking kaliwa ay hindi ko maipagkakaloob, kundi ito’y nauukol sa mga pinaglalaanan.”

41”Nang marinig ito ng sampu ay nagalit sila kina Santiago at Juan. 42Ngunit tinawag sila ni Jesus na ang wika, “Nalalaman ninyo na ang inaaring mga pangulo ng mga Hentil ay namumuno sa kanila, at ang kanilang mga dakila ay nagpapamalas ng kanilang kapangyarihan. 43Datapawat hindi gayon sa inyo: sa halip, ang sino man sa inyo na ibig maging dakila ay maging lingkod ninyo, 44at sino mang ibig manguna sa inyo ay maging alipin ng lahat. 45Gayundin naman, ang Anak ng tao ay hindi naparito upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ibigay ang kanyang buhay sa ikatutubos ng marami.”


GRADES 1 and 2

HALAGA (value)
Ang pagalaga sa kalikasan

MOTIBASYON (motivation)
(Teacher’s Prerogative)

KONTEKSTO (context)
Sa ating munting paraan, tayo’y makatutulong sa iba sa pag-alaga sa kalikasan.

PAGLALAHAD (exposition)
Ang ating mga tirahan ay binabaha dahil sa kakulangan ng mga puno at sa basurang tinatapon sa maling lugar. Kailangan nating alagaan ang ating kalikasan na regalo ng Diyos sa atin: ang mga puno, ang mga halaman, ang lupa at dagat, ang mga ibon, hayop at mga isda.

TUGON (response)
Ano ang ating maaaring gawin upang makaiwas sa pagbabaha?

GRADES 3A, 3B (Communion), 4, 5, 6 and HIGH SCHOOL
HALAGA (value)
- Maglingkod sa kapwa sa pamamagitan ng pag-alaga sa kalikasan
- Tumulong sa mga nangangailangan

MOTIBASYON (motivation)
(Teacher’s Prerogative)
- Maaaring ipalahad sa mga bata ang kanilang mga karanasan noong nakaraang pagbabaha

KONTEKSTO (context)
- Ano sa palagay nila ang mga dahilan ng pagbabahang nangyari?
- Ano ang kanilang mga ginawa upang makaiwas sa kapahamakan?
- Sinu-sino ang kanilang mga tinulungan at sa anong paraan sila tumulong sa mga nasalanta?
- Sinu-sino ang tumulong sa kanila at sa anong paraan sila natulungan?

PAGLALAHAD (exposition)
Ang kalikasan ay regalo sa atin ng Diyos. Anu-ano ang ating mga pagkukulang sa pagalaga sa kalikasan? Ano ang mga epekto ng ating mga gawain sa kalikasan?

Inaanyayahan tayo ni Jesus na maglingkod sa ibang tao upang maging dakila. Ang isang paraan ng paglingkod ay ang pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kapwa. Anu-ano ba ang pangangailangan ng ating mga kapwa?

TUGON (response)
- Anu-ano ang ating maaaring gawin upang alagaan ang kalikasan (sa ating munting paraan)?
- Anu-ano ang ating maaaring gawin upang makatulong sa kapwa?

**Please also discuss with your students the issue of cooperating with the PE and ART Teachers. They are requested to fully participate as SBMA students. (There have been reports that some students do not like to play in the games or participate.)

Monday, September 14, 2009

SBMA #3 Reminders and Workplan

GENERAL INSTRUCTIONS (FOR TEACHERS)
1. Kindly confirm your attendance for this coming SBMA Sunday, 20 September on or before Thursday, 17 September.
2. Please feel free to revise the workplan accordingly.

WORKPLAN
Gospel for 20 September 2009
Marcos 9:30-37

30Mula roon ay nagdaan sina Jesus at ang kanyang mga alagad sa Galilea, at ayaw niyang malaman ito ng sino mang tao. 31Sapagkat tinuturuan niya ang kanyang mga alagad na sinasabi, “Ang Anak ng tao ay ipagkakanulo sa kamay ng mga taong papatay sa kanya; at pagkapatay sa kanya ay muling mabubuhay pagkalipas ng tatlong araw.” 32Datapwat hindi nila nauunawaan ang ganitong pangungusap at natatakot namang magtanong sa kanya.

33At dumating sila sa Cafarnaum. Nang nasa bahay na ay itinanong niya sa kanila, “Ano ang inyong pinag-uusapan sa daan?” 34Hindi sila kumibo, sapagkat ang pinagtatalunan nila sa daan ay kung sino sa kanila ang pinakadakila. 35Kaya umupo si Jesus at tinawag ang labindalawa at winika sa kanila, “Ang sino mang ibig maging una ay dapat magpahuli sa lahat at maging lingkod ng lahat.” 36Pagkatapos, kinuha niya ang isang maliit na bata, inilagay sa gitna nila, niyakap niya at winika sa kanila, 37“Ang sino mang tumanggap sa ganitong maliit na bata sa aking ngalan ay tumatanggap sa akin; at sino mang tumanggap sa akin ay hindi ako ang tinatanggap kundi ang nagsugo sa akin.”


GRADES 1 and 2

HALAGA (value): Mahal ng Diyos ang mga bata

MOTIBASYON (motivation): (Teacher's Prerogative)

KONTEKSTO (context): Ibinanggit ni Jesus na mahalaga ang mga bata sa mata ng Diyos.

PAGLALAHAD (exposition): Mahal ng Diyos ang mga bata kasi sila ay simple, mapagkumbaba at mapagtiwala sa mga nakakatanda. Ginawa ring halimbawa ni Jesus ang mga bata sa mga matatanda. Tayo ba ay tamang halimbawa ng isang mabait na bata?

TUGON (response): Paano natin ipagpapatuloy maging mabait na bata? Mahal ba tayo ng Diyos?



GRADE 3B (Communion Class)

(Communion Preparations)


GRADES 3A, 4, 5, 6 and HIGH SCHOOL

HALAGA (value)
Maging mapagkumbaba at mapagtiwala tulad ng isang bata.
Maging mapaglingkod sa ibang tao, sa kanilang munting paraan.

MOTIBASYON (motivation)
(Teacher’s Prerogative)

KONTEKSTO (context)
- Makapagbibigay ba tayo ng mga pangalan ng mga taong sa palagay natin ay nakatutulong para sa kabutihan ng ating pamayanan/bansa?
- Sa inyong palagay, paano tayo maaaring makapaglingkod sa ibang tao sa ating munting paraan?
- Sa tingin niyo ba na ang karamihan sa ating mga mamamayan ay itinuturing ang kanilang mga trabaho bilang isang paglingkod sa iba at sa pamayanan? Paano?

Kadalasan ay ating naiisip na wala pa tayong maitutulong sa iba at sa pamayanan dahil tayo ay bata pa. Samantalang hinahamon tayo ni Hesus na kahit sa ating pagkabata ay mayroon tayong maililingkod sa iba, sa ating munting paraan. Maaaring sa ating isip ay mahirap ito gawin, ngunit naniniwala si Jesus na kakayanin natin ito sa paraang maging mapagkumbaba at mapagtiwala lamang tayo tulad ng isang bata.

PAGLALAHAD (exposition)
1. Ilahad ang buod ng ebanghelyo sa mga mag-aaral. Talakayin ang mga sumusunod sa kanila:
a) Ano ang pinagaawayan ng mga disipulo sa kanilang pagtungo sa Cafernaum?
(Sino ang pinakadakila sa kanila.)
b) Ano ang tugon ni Jesus sa kanilang tanong na “sino ang pinakadakila sa mata ng Diyos?”
c) Ano ang ginawa ni Jesus upang higit na maintindihan ng kanyang mga disipulo kung papaano maging pinakadakila sa mata ng Diyos?

2. Katotohanan
Tayong mga kaibigan ni Hesus ay tinuturuan niyang maging tulad ng mga batang may kababaang-loob at matulungin sa kapwa.

3. Pagsamba
Sa pagiging kaibigan ni Hesus, tinatanggap natin siya sa Banal na Komunyon nang buong pagkukusa at malugod ring tinatanggap ang kanyang paanyayang paglingkuran ang mga mahihirap at nangangailangan.

4. Pagsasabuhay
Kinikilala ng mga kaibigan ni Hesus ang maraming pangangailangan ng kapwa at naglilingkod nang may lubos na kababaang-loob tulad ng isang bata.

TUGON (response)
Isipin: Ano ang imbitasyon sa atin ni Jesus sa araw na ito?
Isagawa: Sa anong paraan tayo maaring maging mapagkumbaba at mapagtiwala tulad ng isang bata sa: a) ating pamilya; b) sa ating pamayanan/komunidad; c) sa ating mga kaklase sa paaralan?

Friday, August 21, 2009

SBMA #2 Guidelines and Workplan

GENERAL INSTRUCTIONS

1. Kindly check the class list for remarks.
UNQ - means unqualified (underage). Kindly have a student volunteer escort them to the chapel and turn them over to Francis or Gelo.
FOR GR (#) - means the student is recommended for that grade level. This was based on their age alone. You have the prerogative to allow the student to remain in your class or send them to the recommended level. If you decide to have them transferred, please ask a student volunteer to escort them to the correct classroom.
FOR FHC - means the student may be a candidate for FIRST HOLY COMMUNION. Kindly determine if they are at least 9 years old and Catholics. Please ask a student volunteer to escort these pupils to the chapel and endorse them to Ms. May Buenaobra.

2. Please do not forget to indicate all actions taken / transfer of students on the class list.

3. Kindly welcome students who shall be transferred to your grade level. Add their names to your class list.

4. Please go through the class list with your pupils for errors. Please indicate directly on the sheet if there are any. Check attendance.

5. For GRADES 4, 5, 6 and HS: Kindly ask your class, this second time, about students (aged 9 and above) who have yet to receive First Holy Communion. Please list down their names on a separate sheet of paper, label the sheet as "For First Holy Communion", and leave it in the kit. Kindly also have a student volunteer escort them to the chapel to be endorsed to Ms. May Buenaobra.

6. Lesson Proper


WORKPLANS
Gospel for August 22, 2009
Juan 6:60-69

Marami sa kanyang mga alagad, nang marinig ito, ang nagwika, "Matigas ang pananalitang ito! Sino ang maaaring makinig niyan?" Nahalata ni Jesus na nagbulung-bulungan ang kanyang mga alagad tungkol sa bagay na ito, sinabi niya sa kanila, "Ikatitisod baga ninyo ang bagay na ito? Ano nga kung makita ninyo ang Anak ng tao na umaakyat sa kinaroroonan niya noong una? Ang Espiritu ang siyang nagbibigay-buhay, ang laman ay walang katuturan. Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay espiritu at buhay. Ngunit may ilan sa inyo na di sumasampalataya." Nalalaman na ni Jesus mula pa noong una kung sino ang mga hindi sumasampalataya at kung sino ang magkakanulo sa kanya. Idinagdag pa niya, "Ito ang dahilan kung bakit sinabi ko sa inyo na walang makalalapit sa akin kung hindi kalooban ng Ama."
Buhat noon ay marami sa kanyang mga alagad ang tumalikod at hindi na sumama sa kanya. Kaya't winika ni Jesus sa labindalawa, "Kayo, ibig din ba ninyong umalis?" Sinagot siya ni Simon Pedro, "Panginoon, kanino kami patutungo? Taglay mo ang mga salita ng buhay na walang hanggan. Kami ay sumasampalataya at aming nabatid na ikaw ang Banal ng Diyos."


GRADES 1 and 2
LAYUNIN (objective)
Bigyang halaga ang pagmamahal kay Jesus na ating Panginoon, at sa ating mga kapamilya at kaibigan

MOTIBASYON (motivation)
Ipaguhit sa mga bata ang sarili nila kasama ang kanilang mga minamahal sa buhay at si Jesus. Maaaring ipabahagi sa buong klase ang kanilang mga ginuhit upang maipakilala ang kanilang mga minamahal.

KONTEKSTO (exposition)
Si Jesus din ay may mga kaibigan noong kapanahunan niya. Ipinahahalagahan din nya ang pagmamahal ng kanyang mga kaibigan.

PAGLALAHAD (exposition)
Ikwento sa mga bata ang nangyari sa ebanghelyo at talakayin:
- Si Jesus ay may mga kaibigan. Ngunit iniwan siya ng iba sa mga ito dahil ayaw nilang maging mabait at mapagmahal tulad ni Jesus. Ano kaya ang naramdaman ni Jesus? Subalit mayroong mga kaibigan na nanatiling makasama siya. Ano naman kaya ang naramdaman ni Jesus sa mga kaibigang ito?

TUGON (response)
Ituro sa mga bata ang kahalagahan ng pagmamahal sa pamilya at mga kaibigan at sa anu-anong mga paraan nila pwede gawin ito (i.e. pagsunod sa magulang, paggalang, pagsabi ng po at opo, pagmano o paghahalik, etc.)


GRADE 3B: COMMUNION
1. Ilahad ang pakay ng kanilang "section" na isang paghahanda sa pagtanggap sa Unang Komunyon.
2. Madaling ipaliwanag kung bakit mahalaga tanggapin ang katawan at dugo ni Kristo.
3. Ibigay sa mga-magaaral ang mga pangangailangan para sa Unang Komunyon (i.e. birth and baptismal certificate, etc.) at kung kailan dapat dalhin ang mga dokumento.


GRADES 3A, 4, 5
LAYUNIN (objective)
Bigyang halaga ang pagmamahal kay Jesus na ating Panginoon, at sa ating mga kapamilya at kaibigan

MOTIBASYON (motivation)
Tanungin ang mga mag-aaral kung mahalaga sa kanila ang pagmamahal mula sa mga kaibigan at kanilang mga minamahal sa buhay. Tanungin sila kung bakit ito mahalaga sa kanila. Talakayin sa anu-anong mga paraang ipinapakita ng kanilang mga kaibigan at kapamilya ang pagmamahal sa kanila.

KONTEKSTO (context)
Si Jesus din ay may mga kaibigan noong kapanahunan niya. Ipinahahalagahan din nya ang pagmamahal ng kanyang mga kaibigan lalo na sa panahon ng paghihirap.

PAGLALAHAD (exposition)
1. Ilahad ang buod ng ebanghelyo sa mga mag-aaral. Talakayin ang mga detalye sa kanila.
a) Ano ang problemang nabatid sa kwento?
b) Ano ang "matigas na pananalita" na tinutukoy ng mga alagad ni Jesus?
c) Bakit tinalikuran at iniwan ng ibang mga alagad ni Jesus ang Panginoon?
d) Bakit nanatili si Pedro at ang ibang mga disipolo?
2. Ipaliwanag ang konteksto ng ebanghelyo:
- Inaanyayahan ni Jesus ang kanyang mga kaibigan na tularan siya sa kanyang mabuting asal. Ngunit nahirapan sundin ito ng kanyang mga kaibigan kung kaya't siya ay iniwan.

TUGON (response)
Hamunin ang mga mag-aaral kung sila ay mapagmahal kay Jesus at sa kanilang mga kaibigan at kapamilya. Sa anu-anong mga paraan nila pwedeng ipakita ito? (i.e. pagsunod sa kanilang mga magulang, etc.)


GRADE 6 and HIGH SCHOOL
LAYUNIN (objective)
Bigyang halaga ang mga katangian ng panampalataya/tiwala at katapatan kay Jesus na ating Panginoon, at sa ating mga kapamilya at kaibigan

MOTIBASYON (motivation)
Tanungin ang mga mag-aaral kung anu-anong mga katangian ang hinahanap nila sa isang tunay na kaibigan / kanilang mga minamahal sa buhay. Maaaring ilista ang mga ito sa pisara. Udyokin sila tungo sa pagbanggit sa "mapagkakatiwalaan" at "matapat". Hingan sila ng paliwanag kung bakit mahalaga ang dalawang katangian na ito sa mga kaibigan at mga mahal nila sa buhay.

Sila ba ay nakaranas na ng pagkakanulo (betrayal) ng isang kaibigan? Ano ang kanilan naramdaman?

Hamunin ang mga mag-aaral kung sila din ba ay napagkakatiwalaan at matapat sa kanilang mga kaibigan at mga minamahal.

KONTEKSTO (context)
Si Jesus din ay may mga kaibigan noong kapanahunan niya. Ipinahahalagahan din nya ang tiwala at katapatan ng kanyang mga kaibigan lalo na sa panahon ng paghihirap.

PAGLALAHAD (exposition)
1. Ipabasa / Basahin muli ang ebanghelyo sa mga mag-aaral. Talakayin ang mga detalye sa kanila.
Mga pwedeng itanong:
a) Ano ang problemang nabatid ninyo sa kwento?
b) Ano ang "matigas na pananalita" na tinutukoy ng mga alagad ni Jesus?
c) Bakit tinalikuran at iniwan ng ibang mga alagad ni Jesus ang Panginoon?
d) Bakit nanatili si Pedro at ang ibang mga disipolo?
2. Ipaliwanag ang konteksto ng ebanghelyo:
- Ang pagbasa na ito ay sumusunod sa nakaraang pagbasa kung saan inanyayahan ni Jesus ang kanyang mga alagad na tanggapin ang kanyan katawan at dugo. Ang ibig sabihin lamang nito ay ang pagsasabuhay sa mga turo ni Jesus: pagmamahal sa kapwa pati sa mga kaaway. Marami sa kaniyang mga disipolo ay nahirapan tanggapin ang imbitasyon ni Jesus.

TUGON (response)
Hamunin ang mga mag-aaral kung sila ay matapat at mayroong matibay na panampalataya kay Jesus, kahit sa minsang kahirapan ng kanyang paganyaya. Sa anu-anong mga paraan nila pwedeng ipakita ito? Sa anu-anong mga paraan nila pwedeng ipakita ito sa kanilang mga kaibigan at mga mahal sa buhay?