GENERAL INSTRUCTIONS (FOR TEACHERS)1. Kindly confirm your attendance for this coming SBMA Sunday, 20 September on or before Thursday, 17 September.
2. Please feel free to revise the workplan accordingly.
WORKPLAN
Gospel for 20 September 2009
Marcos 9:30-37
30Mula roon ay nagdaan sina Jesus at ang kanyang mga alagad sa Galilea, at ayaw niyang malaman ito ng sino mang tao. 31Sapagkat tinuturuan niya ang kanyang mga alagad na sinasabi, “Ang Anak ng tao ay ipagkakanulo sa kamay ng mga taong papatay sa kanya; at pagkapatay sa kanya ay muling mabubuhay pagkalipas ng tatlong araw.” 32Datapwat hindi nila nauunawaan ang ganitong pangungusap at natatakot namang magtanong sa kanya.
33At dumating sila sa Cafarnaum. Nang nasa bahay na ay itinanong niya sa kanila, “Ano ang inyong pinag-uusapan sa daan?” 34Hindi sila kumibo, sapagkat ang pinagtatalunan nila sa daan ay kung sino sa kanila ang pinakadakila. 35Kaya umupo si Jesus at tinawag ang labindalawa at winika sa kanila, “Ang sino mang ibig maging una ay dapat magpahuli sa lahat at maging lingkod ng lahat.” 36Pagkatapos, kinuha niya ang isang maliit na bata, inilagay sa gitna nila, niyakap niya at winika sa kanila, 37“Ang sino mang tumanggap sa ganitong maliit na bata sa aking ngalan ay tumatanggap sa akin; at sino mang tumanggap sa akin ay hindi ako ang tinatanggap kundi ang nagsugo sa akin.”
GRADES 1 and 2
HALAGA (value): Mahal ng Diyos ang mga bata
MOTIBASYON (motivation): (Teacher's Prerogative)
KONTEKSTO (context): Ibinanggit ni Jesus na mahalaga ang mga bata sa mata ng Diyos.
PAGLALAHAD (exposition): Mahal ng Diyos ang mga bata kasi sila ay simple, mapagkumbaba at mapagtiwala sa mga nakakatanda. Ginawa ring halimbawa ni Jesus ang mga bata sa mga matatanda. Tayo ba ay tamang halimbawa ng isang mabait na bata?
TUGON (response): Paano natin ipagpapatuloy maging mabait na bata? Mahal ba tayo ng Diyos?
GRADE 3B (Communion Class)
(Communion Preparations)
GRADES 3A, 4, 5, 6 and HIGH SCHOOL
HALAGA (value)
Maging mapagkumbaba at mapagtiwala tulad ng isang bata.
Maging mapaglingkod sa ibang tao, sa kanilang munting paraan.
MOTIBASYON (motivation)
(Teacher’s Prerogative)
KONTEKSTO (context)
- Makapagbibigay ba tayo ng mga pangalan ng mga taong sa palagay natin ay nakatutulong para sa kabutihan ng ating pamayanan/bansa?
- Sa inyong palagay, paano tayo maaaring makapaglingkod sa ibang tao sa ating munting paraan?
- Sa tingin niyo ba na ang karamihan sa ating mga mamamayan ay itinuturing ang kanilang mga trabaho bilang isang paglingkod sa iba at sa pamayanan? Paano?
Kadalasan ay ating naiisip na wala pa tayong maitutulong sa iba at sa pamayanan dahil tayo ay bata pa. Samantalang hinahamon tayo ni Hesus na kahit sa ating pagkabata ay mayroon tayong maililingkod sa iba, sa ating munting paraan. Maaaring sa ating isip ay mahirap ito gawin, ngunit naniniwala si Jesus na kakayanin natin ito sa paraang maging mapagkumbaba at mapagtiwala lamang tayo tulad ng isang bata.
PAGLALAHAD (exposition)
1. Ilahad ang buod ng ebanghelyo sa mga mag-aaral. Talakayin ang mga sumusunod sa kanila:
a) Ano ang pinagaawayan ng mga disipulo sa kanilang pagtungo sa Cafernaum?
(Sino ang pinakadakila sa kanila.)
b) Ano ang tugon ni Jesus sa kanilang tanong na “sino ang pinakadakila sa mata ng Diyos?”
c) Ano ang ginawa ni Jesus upang higit na maintindihan ng kanyang mga disipulo kung papaano maging pinakadakila sa mata ng Diyos?
2. Katotohanan
Tayong mga kaibigan ni Hesus ay tinuturuan niyang maging tulad ng mga batang may kababaang-loob at matulungin sa kapwa.
3. Pagsamba
Sa pagiging kaibigan ni Hesus, tinatanggap natin siya sa Banal na Komunyon nang buong pagkukusa at malugod ring tinatanggap ang kanyang paanyayang paglingkuran ang mga mahihirap at nangangailangan.
4. Pagsasabuhay
Kinikilala ng mga kaibigan ni Hesus ang maraming pangangailangan ng kapwa at naglilingkod nang may lubos na kababaang-loob tulad ng isang bata.
TUGON (response)
Isipin: Ano ang imbitasyon sa atin ni Jesus sa araw na ito?
Isagawa: Sa anong paraan tayo maaring maging mapagkumbaba at mapagtiwala tulad ng isang bata sa: a) ating pamilya; b) sa ating pamayanan/komunidad; c) sa ating mga kaklase sa paaralan?
No comments:
Post a Comment