Thursday, February 4, 2010

SBMA #8 Workplan

WORKPLAN: 07 Pebrero 2010

Ebanghelyo
Lukas 5:1-11

Nangyari nga, habang nagkakatipun-tipon ang mga tao kay Jesus upang makinig ng salita ng Diyos, siya ay nakatayo sa tabi ng lawa ng Genesaret. Nakakita siya ng dalawang bangka na nasa tabi ng lawa. Ang mga mangingisda ay nakababa na sa bangka at naghuhugas ng mga lambat. Sumakay siya sa isa sa mga bangka na pag-aari ni Simon. Ipinakiusap niya kay Simon na ilayo ng kaunti sa baybayin ang bangka. Pagkaupo niya, siya ay nagturo sa mga tao mula sa bangka.
Pagkatapos niyang magsalita, nagsabi siya kay Simon: Pumalaot kayo. Ihulog ninyo ang mga lambat upang makahuli ng mga isda.
Sumagot si Simon na sinabi: Guro, magdamag kaming nagpagal at wala kaming nahuli. Gayunman kahit wala kaming nahuli, sa iyong salita ay ihuhulog ko ang lambat.
Pagkagawa nila ng gayon, nakahuli sila ng napakaraming isda at ang lambat ay napupunit. Kinawayan nila ang kanilang kapwa mangingisda na nasa ibang bangka upang lumapit at tulungan sila. Lumapit sila at pinuno ang dalawang bangka kaya sila ay papalubog.
Nang makita iyon ni Simon Pedro, nagpatirapa siya sa mga tuhod ni Jesus. Sinabi niya: Panginoon, lumayo ka sa akin sapagkat ako ay isang taong makasalanan. Sinabi niya ito sapagkat siya ay namangha, gayundin ang kaniyang mga kasamahan dahil sa napakaraming huli. Namangha rin ang mga anak ni Zebedeo na sina Santiago at Juan, na mga katuwang ni Simon. Sinabi ni Jesus kay Simon: Huwag kang matakot. Mula ngayon ay mamalakaya ka na ng tao. Pagkadaong nila ng mga bangka, iniwan nila ang lahat at sumunod kay Jesus.

Mga tanong:
- Sinu-sino ang mga unang alagad na tinawag ni Jesus?
- Ano ang nais ipagawa ni Jesus sa kanila?
- Ano ang kanilang tugon kay Jesus?


GRADES 1 and 2

PAGPAPAHALAGA (value)
- Pagsunod, Pagtalima, Paggalang, Pagtupad, Pakikinig, Pagmamahal

ACTIVITY
Laruin ang “Following the Leader” – Ang guro ay maaaring magsagawa ng mga kilos na dapat gayahin ng mga bata.

PAGUUGNAY (exposition)
Bigyang halaga ang pakikinig at pagsunod. Dapat ay sundin natin ang mga taong nagbibigay ng mabuting halimbawa at hindi ang masasama. Ang pagmamahal din ni Jesus ay dapat nating tularan.

TUGON (response)
Inaanyayahan ni Hesus na tayo’y maging masunurin. Paano natin maipapakita ito sa ating mga magulang, kapatid, kamag-anak, guro at kalaro sa araw-araw?


GRADES 3A, 4, 5, 6 at HIGH SCHOOL

PAGPAPAHALAGA (value)
- Pagsunod, Pagtalima, Paggalang, Pagtupad, Pakikinig, Pagmamahal

MOTIBASYON (motivation)
(Teacher’s Prerogative)

SITWASYON NG BUHAY (context)
Maaaring pagpilian tapos talakayin:
1) Pagtupad sa mga tungkulin sa bahay o sa paaralan
2) Makikinig ng mabuti sa mga itinuturo ng guro sa paaralan
3) Susundin ang mga payo ng mga magulang nang may pagmamahal at paggalang

PAGUUGNAY (exposition)
Hindi sapat ang gawin lamang natin ang mga bagay na makabubuti para sa ating sarili. May mga tungkulin din tayong dapat gampanan para sa ating kapwa upang tayo ay mabuhay ng maayos, mabuti at masayang kasama nila. Ipagmamalaki tayo ng ating mga magulang, kapatid, guro at mga kaibigan kapag natupad natin ang mga tungkuling nakalaan sa atin.
Sa Linggong ito, mapakikinggan natin kung paano tinawag ni Jesus ang mga taong pinili niyang makasama sa misyong iniaatas ng Ama sa kanya. Alamin natin kung paano tumugon at sumunod ang mga taong tinawag niya sa gawaing nakalaan sa kanila.

TUGON (response)
Maituturing ko ba ang aking sarili na kaibigan ni Jesus?
Paano ko maisasabuhay ang mga narinig kong turo ni Jesus?

No comments:

Post a Comment