Friday, January 22, 2010

SBMA #7 Workplan

WORKPLAN

Gospel for 24 January 2010
Lukas 1:1-4, 4:14-15, 19

Kagalang-galang na Teofilo: Marami na po ang nagsikap na sumulat tungkol sa mga bagay na naganap sa gitna namin. Ang kanilang sinulat ay ayon sa sinabi sa amin ng mga nakasaksi nito buhat sa pasimula at nangaral ng Salita. Matapos na ako’y makapagsuri nang buong ingat tungkol sa lahat ng bagay na ito buhat pa sa pasimula, minabuti ko pong sumulat ng isang maayos na salaysay para sa inyo upang lubusan ninyong matiyak ang katotohanan ng mga bagay na itinuro sa inyo.
Bumalik si Hesus sa Galilea at sumakanya ang kapangyarihan ng Espiritu Santo. Kumalat sa palibot na lupain ang balita tungkol sa kanya. Nagturo siya sa kanilang mga sinagoga, at di-nakila siya ng lahat.
“Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon, sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita. Sinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na sila’y lalaya. At sa mga bulag na sila’y makakikita, upang bigyang-kaluwagan ang mga sinisiil, at ipahayag ang pagliligtas na gagawin ng Panginoon.” Nilulon niya ang kasulatan, at matapos isauli sa tagapaglingkod, siya’y naupo. Nakatitig sa kanya ang lahat ng nasa sinagoga. At sinabi niya sa kanila: “Natupad ngayon ang bahaging ito ng Kasulatan samantalang nakikinig kayo.”


GRADES 1 and 2

HALAGA (value)
- Pagtanggap, Pagsunod, Pakikinig, Tibay ng Loob

ACTIVITY
Laruin ang “Simon Says” at “Give Me”

PAGUUGNAY
Bigyang halaga ang pakikinig at pagsunod. Alamin ang mga naging problema tuwing di nakikinig. At ano naman ang maganda sa pakikinig?

TUGON
Inaanyayahan ni Hesus na tayo’y maging masunurin. Paano natin maipapakita ito sa ating mga magulang, kapatid, kamag-anak, guro at kalaro sa araw-araw?


GRADES 3A, 4, 5, 6 at HIGH SCHOOL

HALAGA (value)
- Pagtanggap, Pagsunod, Pakikinig, Tibay ng Loob

MOTIBASYON (motivation)
(Teacher’s Prerogative)

SITWASYON NG BUHAY
Maaaring pagpilian tapos talakayin:
1) Maganda at may pagkakasundo ang pagsasamahan ng barkada at grupo kung marunong sumunod at tumupad ang bawat sakop sa layunin at tungkulin nito.
2) Nangakong gagawin ang mga tungkulin sa loob ng bahay bago maglaro pero kinakalimutan.
3) Nakikinig sa payo ng guro ngunit hindi tinupad.

PAGUUGNAY
May kasabihan na habang nabubuhay ang tao may pagkakataon mapaunlad ang ating sarili. Magiging maganda ang kinabukasan kung buong tapang nating tutuparin at gagampanan ang mga tungkuling iniatas sa atin araw-araw sa loob ng bahay o sa paaralan o sa pamayanan.
Sa ebanghelyo sa Linggong ito maririnig natin si Hesus na ipinahahayag ang Mabuting balita sa mga dukha, mga bulag at mga inuusig. Sa kanyang pangangaral pinaaalalahanan niya ang lahat na huwag lamang makinig bagkus tanggapin at isabuhay ang Mabuting Balita upang makamit ang pangakong kaligtasan para sa lahat. Pakinggan nating panawag ni Hesus sa atin.

TUGON
Paano ko tutugunan ang hamon ni Hesus na maging “Mabuting Balita” sa aking mga magulang, kapatid, kamag-anak, guro at kalaro sa araw-araw?

No comments:

Post a Comment