LAYUNIN (objective)
Bigyang halaga ang pagmamahal kay Jesus na ating Panginoon, at sa ating mga kapamilya at kaibigan
MOTIBASYON (motivation)
Ipaguhit sa mga bata ang sarili nila kasama ang kanilang mga minamahal sa buhay at si Jesus. Maaaring ipabahagi sa buong klase ang kanilang mga ginuhit upang maipakilala ang kanilang mga minamahal.
KONTEKSTO (exposition)
Si Jesus din ay may mga kaibigan noong kapanahunan niya. Ipinahahalagahan din nya ang pagmamahal ng kanyang mga kaibigan.
PAGLALAHAD (exposition)
Ikwento sa mga bata ang nangyari sa ebanghelyo at talakayin:
- Si Jesus ay may mga kaibigan. Ngunit iniwan siya ng iba sa mga ito dahil ayaw nilang maging mabait at mapagmahal tulad ni Jesus. Ano kaya ang naramdaman ni Jesus? Subalit mayroong mga kaibigan na nanatiling makasama siya. Ano naman kaya ang naramdaman ni Jesus sa mga kaibigang ito?
TUGON (response)
Ituro sa mga bata ang kahalagahan ng pagmamahal sa pamilya at mga kaibigan at sa anu-anong mga paraan nila pwede gawin ito (i.e. pagsunod sa magulang, paggalang, pagsabi ng po at opo, pagmano o paghahalik, etc.)
GRADE 3B: COMMUNION
1. Ilahad ang pakay ng kanilang "section" na isang paghahanda sa pagtanggap sa Unang Komunyon.
2. Madaling ipaliwanag kung bakit mahalaga tanggapin ang katawan at dugo ni Kristo.
3. Ibigay sa mga-magaaral ang mga pangangailangan para sa Unang Komunyon (i.e. birth and baptismal certificate, etc.) at kung kailan dapat dalhin ang mga dokumento.
GRADES 3A, 4, 5
LAYUNIN (objective)
Bigyang halaga ang pagmamahal kay Jesus na ating Panginoon, at sa ating mga kapamilya at kaibigan
MOTIBASYON (motivation)
Tanungin ang mga mag-aaral kung mahalaga sa kanila ang pagmamahal mula sa mga kaibigan at kanilang mga minamahal sa buhay. Tanungin sila kung bakit ito mahalaga sa kanila. Talakayin sa anu-anong mga paraang ipinapakita ng kanilang mga kaibigan at kapamilya ang pagmamahal sa kanila.
KONTEKSTO (context)
Si Jesus din ay may mga kaibigan noong kapanahunan niya. Ipinahahalagahan din nya ang pagmamahal ng kanyang mga kaibigan lalo na sa panahon ng paghihirap.
PAGLALAHAD (exposition)
1. Ilahad ang buod ng ebanghelyo sa mga mag-aaral. Talakayin ang mga detalye sa kanila.
a) Ano ang problemang nabatid sa kwento?
b) Ano ang "matigas na pananalita" na tinutukoy ng mga alagad ni Jesus?
c) Bakit tinalikuran at iniwan ng ibang mga alagad ni Jesus ang Panginoon?
d) Bakit nanatili si Pedro at ang ibang mga disipolo?
2. Ipaliwanag ang konteksto ng ebanghelyo:
- Inaanyayahan ni Jesus ang kanyang mga kaibigan na tularan siya sa kanyang mabuting asal. Ngunit nahirapan sundin ito ng kanyang mga kaibigan kung kaya't siya ay iniwan.
TUGON (response)
Hamunin ang mga mag-aaral kung sila ay mapagmahal kay Jesus at sa kanilang mga kaibigan at kapamilya. Sa anu-anong mga paraan nila pwedeng ipakita ito? (i.e. pagsunod sa kanilang mga magulang, etc.)
GRADE 6 and HIGH SCHOOL
LAYUNIN (objective)
Bigyang halaga ang mga katangian ng panampalataya/tiwala at katapatan kay Jesus na ating Panginoon, at sa ating mga kapamilya at kaibigan
MOTIBASYON (motivation)
Tanungin ang mga mag-aaral kung anu-anong mga katangian ang hinahanap nila sa isang tunay na kaibigan / kanilang mga minamahal sa buhay. Maaaring ilista ang mga ito sa pisara. Udyokin sila tungo sa pagbanggit sa "mapagkakatiwalaan" at "matapat". Hingan sila ng paliwanag kung bakit mahalaga ang dalawang katangian na ito sa mga kaibigan at mga mahal nila sa buhay.
Sila ba ay nakaranas na ng pagkakanulo (betrayal) ng isang kaibigan? Ano ang kanilan naramdaman?
Hamunin ang mga mag-aaral kung sila din ba ay napagkakatiwalaan at matapat sa kanilang mga kaibigan at mga minamahal.
KONTEKSTO (context)
Si Jesus din ay may mga kaibigan noong kapanahunan niya. Ipinahahalagahan din nya ang tiwala at katapatan ng kanyang mga kaibigan lalo na sa panahon ng paghihirap.
PAGLALAHAD (exposition)
1. Ipabasa / Basahin muli ang ebanghelyo sa mga mag-aaral. Talakayin ang mga detalye sa kanila.
Mga pwedeng itanong:
a) Ano ang problemang nabatid ninyo sa kwento?
b) Ano ang "matigas na pananalita" na tinutukoy ng mga alagad ni Jesus?
c) Bakit tinalikuran at iniwan ng ibang mga alagad ni Jesus ang Panginoon?
d) Bakit nanatili si Pedro at ang ibang mga disipolo?
2. Ipaliwanag ang konteksto ng ebanghelyo:
- Ang pagbasa na ito ay sumusunod sa nakaraang pagbasa kung saan inanyayahan ni Jesus ang kanyang mga alagad na tanggapin ang kanyan katawan at dugo. Ang ibig sabihin lamang nito ay ang pagsasabuhay sa mga turo ni Jesus: pagmamahal sa kapwa pati sa mga kaaway. Marami sa kaniyang mga disipolo ay nahirapan tanggapin ang imbitasyon ni Jesus.
TUGON (response)
Hamunin ang mga mag-aaral kung sila ay matapat at mayroong matibay na panampalataya kay Jesus, kahit sa minsang kahirapan ng kanyang paganyaya. Sa anu-anong mga paraan nila pwedeng ipakita ito? Sa anu-anong mga paraan nila pwedeng ipakita ito sa kanilang mga kaibigan at mga mahal sa buhay?