Monday, November 9, 2009

SBMA #5 Workplan

WORKPLAN

Gospel for 22 November 2009
Juan 18:33-37

33Muling pumasok si Pilato sa pretoryo at pagkatawag kay Jesus ay tinanong siya, “Ikaw ba ang hari ng mga Judio?” 34Sumagot si Jesus, “iyan ba ay sinasabi mo sa ganang sarili mo o sinabi sa iyo ng iba tungkol sa akin?” 35“Ako ba’y Judio?” ang tanong ni Pilato. “Ibinigay ka sa akin ng iyong bansa at ng mga punong saserdote; ano ba ang nagawa mo?” 36Tumugon si Jesus, “Hindi sa daigdig na ito ang aking kaharian; kung ang aking kaharian ay sa daigdig na ito, ipagtatanggol sana ako ng aking mga lingkod upang hindi ako mahulog sa kamay ng mga Judio, datapwat ang aking kaharian ay hindi sa daigdig na ito.”

37Kaya winika sa kanya ni Pilato, “Kung gayon, ikaw ba’y hari?” Sumagot si Jesus, “Ikaw na ang nagsasabi na ako’y hari. Ito nga ang dahilan kung bakit ako ipinanganak at naparito sa daigdig: upang patunayan ang katotohanan. Sino mang nasa katotohanan ay nakikinig sa aking tinig.”


GRADES 1 and 2

HALAGA (value)
Manatiling tapat at totoo sa ating mga kaibigan (sa ligaya at hirap)
Manatiling tapat at totoo kay Jesus

MOTIBASYON (motivation)
(Teacher’s Prerogative)

KONTEKSTO (context)
(Any activity that highlights loyalty, friendship or honesty.)


GRADES 3A, 3B (Communion), 4, 5, 6 and HIGH SCHOOL
HALAGA (value)
Manatiling tapat at totoo sa ating mga kaibigan (sa ligaya at hirap)
Manatiling tapat at totoo kay Jesus

MOTIBASYON (motivation)
(Teacher’s Prerogative)

KONTEKSTO (context)
Ikaw ba ay matapat at totoo sa iyong mga kaibigan?
Paano mo ipinapakita ang katapatan sa iyong mga kaibigan?
Sinu-sino sa iyong mga kaibigan ang kinikilala mong tapat at totoo sa iyo?
Bakit kaya sila matapat at totoo sa iyo?

PAGLALAHAD (exposition)
Ang katapatan ay isang mahalagang uri ng pagmamahal. Madaling magmahal ng iba sa panahon ng ginhawa at ligaya. Ngunit nangangailangan ng katapatan at katunayan upang magmahal sa panahon ng hirap. Ang tunay na Kristyano ay matapat at totoo kay Jesus kahit sa mahihirap na sitwasyon.

Malalaman lamang na tayo ay tapat at totoong kaibigan ni Jesus kapag susundin natin ang kanyang mga halimbawa sa lahat ng panahon. Kapag minahal natin ang ating kapwa, para na rin nating ipinahahayag ang paghahari ni Hesus sa ating buhay. At sa pagmamahal natin sa ating kapwa, pinapakita rin natin ang pagmamahal natin sa Panginoon.

TUGON (response)
Sa anong mga konkretong paraan natin maipapakita ang katapatan at katunayan sa ating mga kaibigan at kay Jesus?