GENERAL INSTRUCTIONS
1. Kindly check the class list for remarks.
UNQ - means unqualified (underage). Kindly have a student volunteer escort them to the chapel and turn them over to Francis or Gelo.
FOR GR (#) - means the student is recommended for that grade level. This was based on their age alone. You have the prerogative to allow the student to remain in your class or send them to the recommended level. If you decide to have them transferred, please ask a student volunteer to escort them to the correct classroom.
FOR FHC - means the student may be a candidate for FIRST HOLY COMMUNION. Kindly determine if they are at least 9 years old and Catholics. Please ask a student volunteer to escort these pupils to the chapel and endorse them to Ms. May Buenaobra.
2. Please do not forget to indicate all actions taken / transfer of students on the class list.
3. Kindly welcome students who shall be transferred to your grade level. Add their names to your class list.
4. Please go through the class list with your pupils for errors. Please indicate directly on the sheet if there are any. Check attendance.
5. For GRADES 4, 5, 6 and HS: Kindly ask your class, this second time, about students (aged 9 and above) who have yet to receive First Holy Communion. Please list down their names on a separate sheet of paper, label the sheet as "For First Holy Communion", and leave it in the kit. Kindly also have a student volunteer escort them to the chapel to be endorsed to Ms. May Buenaobra.
6. Lesson Proper
WORKPLANS
Gospel for August 22, 2009
Juan 6:60-69
Marami sa kanyang mga alagad, nang marinig ito, ang nagwika, "Matigas ang pananalitang ito! Sino ang maaaring makinig niyan?" Nahalata ni Jesus na nagbulung-bulungan ang kanyang mga alagad tungkol sa bagay na ito, sinabi niya sa kanila, "Ikatitisod baga ninyo ang bagay na ito? Ano nga kung makita ninyo ang Anak ng tao na umaakyat sa kinaroroonan niya noong una? Ang Espiritu ang siyang nagbibigay-buhay, ang laman ay walang katuturan. Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay espiritu at buhay. Ngunit may ilan sa inyo na di sumasampalataya." Nalalaman na ni Jesus mula pa noong una kung sino ang mga hindi sumasampalataya at kung sino ang magkakanulo sa kanya. Idinagdag pa niya, "Ito ang dahilan kung bakit sinabi ko sa inyo na walang makalalapit sa akin kung hindi kalooban ng Ama."
Buhat noon ay marami sa kanyang mga alagad ang tumalikod at hindi na sumama sa kanya. Kaya't winika ni Jesus sa labindalawa, "Kayo, ibig din ba ninyong umalis?" Sinagot siya ni Simon Pedro, "Panginoon, kanino kami patutungo? Taglay mo ang mga salita ng buhay na walang hanggan. Kami ay sumasampalataya at aming nabatid na ikaw ang Banal ng Diyos."
GRADES 1 and 2
LAYUNIN (objective)
Bigyang halaga ang pagmamahal kay Jesus na ating Panginoon, at sa ating mga kapamilya at kaibigan
MOTIBASYON (motivation)
Ipaguhit sa mga bata ang sarili nila kasama ang kanilang mga minamahal sa buhay at si Jesus. Maaaring ipabahagi sa buong klase ang kanilang mga ginuhit upang maipakilala ang kanilang mga minamahal.
KONTEKSTO (exposition)
Si Jesus din ay may mga kaibigan noong kapanahunan niya. Ipinahahalagahan din nya ang pagmamahal ng kanyang mga kaibigan.
PAGLALAHAD (exposition)
Ikwento sa mga bata ang nangyari sa ebanghelyo at talakayin:
- Si Jesus ay may mga kaibigan. Ngunit iniwan siya ng iba sa mga ito dahil ayaw nilang maging mabait at mapagmahal tulad ni Jesus. Ano kaya ang naramdaman ni Jesus? Subalit mayroong mga kaibigan na nanatiling makasama siya. Ano naman kaya ang naramdaman ni Jesus sa mga kaibigang ito?
TUGON (response)
Ituro sa mga bata ang kahalagahan ng pagmamahal sa pamilya at mga kaibigan at sa anu-anong mga paraan nila pwede gawin ito (i.e. pagsunod sa magulang, paggalang, pagsabi ng po at opo, pagmano o paghahalik, etc.)
GRADE 3B: COMMUNION
1. Ilahad ang pakay ng kanilang "section" na isang paghahanda sa pagtanggap sa Unang Komunyon.
2. Madaling ipaliwanag kung bakit mahalaga tanggapin ang katawan at dugo ni Kristo.
3. Ibigay sa mga-magaaral ang mga pangangailangan para sa Unang Komunyon (i.e. birth and baptismal certificate, etc.) at kung kailan dapat dalhin ang mga dokumento.
GRADES 3A, 4, 5
LAYUNIN (objective)
Bigyang halaga ang pagmamahal kay Jesus na ating Panginoon, at sa ating mga kapamilya at kaibigan
MOTIBASYON (motivation)
Tanungin ang mga mag-aaral kung mahalaga sa kanila ang pagmamahal mula sa mga kaibigan at kanilang mga minamahal sa buhay. Tanungin sila kung bakit ito mahalaga sa kanila. Talakayin sa anu-anong mga paraang ipinapakita ng kanilang mga kaibigan at kapamilya ang pagmamahal sa kanila.
KONTEKSTO (context)
Si Jesus din ay may mga kaibigan noong kapanahunan niya. Ipinahahalagahan din nya ang pagmamahal ng kanyang mga kaibigan lalo na sa panahon ng paghihirap.
PAGLALAHAD (exposition)
1. Ilahad ang buod ng ebanghelyo sa mga mag-aaral. Talakayin ang mga detalye sa kanila.
a) Ano ang problemang nabatid sa kwento?
b) Ano ang "matigas na pananalita" na tinutukoy ng mga alagad ni Jesus?
c) Bakit tinalikuran at iniwan ng ibang mga alagad ni Jesus ang Panginoon?
d) Bakit nanatili si Pedro at ang ibang mga disipolo?
2. Ipaliwanag ang konteksto ng ebanghelyo:
- Inaanyayahan ni Jesus ang kanyang mga kaibigan na tularan siya sa kanyang mabuting asal. Ngunit nahirapan sundin ito ng kanyang mga kaibigan kung kaya't siya ay iniwan.
TUGON (response)
Hamunin ang mga mag-aaral kung sila ay mapagmahal kay Jesus at sa kanilang mga kaibigan at kapamilya. Sa anu-anong mga paraan nila pwedeng ipakita ito? (i.e. pagsunod sa kanilang mga magulang, etc.)
GRADE 6 and HIGH SCHOOL
LAYUNIN (objective)
Bigyang halaga ang mga katangian ng panampalataya/tiwala at katapatan kay Jesus na ating Panginoon, at sa ating mga kapamilya at kaibigan
MOTIBASYON (motivation)
Tanungin ang mga mag-aaral kung anu-anong mga katangian ang hinahanap nila sa isang tunay na kaibigan / kanilang mga minamahal sa buhay. Maaaring ilista ang mga ito sa pisara. Udyokin sila tungo sa pagbanggit sa "mapagkakatiwalaan" at "matapat". Hingan sila ng paliwanag kung bakit mahalaga ang dalawang katangian na ito sa mga kaibigan at mga mahal nila sa buhay.
Sila ba ay nakaranas na ng pagkakanulo (betrayal) ng isang kaibigan? Ano ang kanilan naramdaman?
Hamunin ang mga mag-aaral kung sila din ba ay napagkakatiwalaan at matapat sa kanilang mga kaibigan at mga minamahal.
KONTEKSTO (context)
Si Jesus din ay may mga kaibigan noong kapanahunan niya. Ipinahahalagahan din nya ang tiwala at katapatan ng kanyang mga kaibigan lalo na sa panahon ng paghihirap.
PAGLALAHAD (exposition)
1. Ipabasa / Basahin muli ang ebanghelyo sa mga mag-aaral. Talakayin ang mga detalye sa kanila.
Mga pwedeng itanong:
a) Ano ang problemang nabatid ninyo sa kwento?
b) Ano ang "matigas na pananalita" na tinutukoy ng mga alagad ni Jesus?
c) Bakit tinalikuran at iniwan ng ibang mga alagad ni Jesus ang Panginoon?
d) Bakit nanatili si Pedro at ang ibang mga disipolo?
2. Ipaliwanag ang konteksto ng ebanghelyo:
- Ang pagbasa na ito ay sumusunod sa nakaraang pagbasa kung saan inanyayahan ni Jesus ang kanyang mga alagad na tanggapin ang kanyan katawan at dugo. Ang ibig sabihin lamang nito ay ang pagsasabuhay sa mga turo ni Jesus: pagmamahal sa kapwa pati sa mga kaaway. Marami sa kaniyang mga disipolo ay nahirapan tanggapin ang imbitasyon ni Jesus.
TUGON (response)
Hamunin ang mga mag-aaral kung sila ay matapat at mayroong matibay na panampalataya kay Jesus, kahit sa minsang kahirapan ng kanyang paganyaya. Sa anu-anong mga paraan nila pwedeng ipakita ito? Sa anu-anong mga paraan nila pwedeng ipakita ito sa kanilang mga kaibigan at mga mahal sa buhay?